Giselle SaavedraNakarating na kami sa mansion nila Jake kasama ng papa niya na si Sir Gary ay sikreto kong minasdan si Madam Elena, infairness naman dito sobrang maasikaso ito sa asawa.Kung hindi ko ito nakitang may kasex na iba ay hindi ko maiisip na may iba itong kalaguyo at nagtaksil ito.“Jake, dahil wala na si Limwel ay may iba na akong kukunin na abogado, si Attorney Hayden Smith, matagal ko na rin siyang kaibigan ay sa katunayan ay inimbitahan ko siya rito dahil pinabago ko na ang aking last will,” sabi ni Sir Gary.Kaya nagkatinginan kaming dalaw ni Jake. Maging si Madam Elena ay napangiti rin. Hindi nga nagtagal ay dumating si Attorney Smith bitbit ang isang folder.“Sir, ito na po ang revise last will ninyo, pirma nalang po ang kailangan para maayos sa korte.”Binuksan iyon ni Sir Gary at binasa ng malakas.AKO, si GARY JOHNSON, nasa hustong gulang, may asawa na si ELENA JOHNSON, at kasalukuyang naninirahan sa aming tahanan sa Forbes Park, Makati City, ay naglalabas ngayon
Huling Na-update : 2025-10-29 Magbasa pa