BELLEHabang nakaupo ako sa vanity table ng clinic ni Dr. Freddie Scott para sa monthly session ko ay hindi ko maiwasan na mainis dahil alam ko naman sa sarili ko na maganda ako at sexy kaya masakit sa akin na maisip na hindi man lang ako magustuhan ni Jake.Ano bang meron si Giselle na wala ako? Kung tutuusin ay wala naman mas maganda sa amin dahil kahit kanino tanungin ay pareho lang at walang mapipili. Baka nga mas lamang pa ako dahil sexy at seductive ang datingan ko.Nang lumabas si Freddie ay napangiti ito saka umupo sa lamesa niya, “Bakit parang semana santa ang mukha mo. Anong enhancement ang gusto mong gawin ngayon? Botox? Face lift? Hifu? O gusto mo naman magpaimplant?”Umiling ako saka may naiisip na plano, “Freddie, nagawa mo na ba yung total facial surgery? As in yung papalitan mo ang buong mukha ng pasyente mo para may maging kamuka ng ibang taong mapipili na gagayahin?” seryoso kong tanong.Bigla naman nagging seryoso si Freddie pero tumango ito, “Oo, kaya nga naging se
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-10-30 อ่านเพิ่มเติม