JAKEPagdating ko sa mansion, pagod na pagod na ang katawan at isip ko. Mabagal kong ipinarada ang kotse sa driveway. Tahimik ang paligid, pero ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Bago pa man ako tuluyang makababa, napansin ko na may nakatayo sa garden.Si Belle.Nakatayo lang siya roon, parang naghihintay. Nakaayos, naka-heels, at nakatingin diretso sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero may kakaibang pakiramdam agad akong naramdaman. Parang may mali, pero hindi ko pa maipaliwanag.Pagbaba ko ng kotse, agad siyang lumapit.“Jake,” sabi niya, sabay yakap sa akin.Nanigas ang katawan ko.Hindi dahil ayaw ko sa yakap, kundi dahil sa amoy. Sobrang tapang ng pabango niya. Napakunot ang noo ko nang hindi ko namamalayan. Para akong sinuntok sa ilong. Hindi ako sanay sa ganitong amoy.“Belle…” sabi ko, pero hindi ko tinapos.Napayuko ako sandali, kunwari inaayos ang sapatos ko. Doon ko napansin ang paa niya. Ewan ko kung bakit ngayon ko lang napansin, pero parang malaki. Mas malaki kay
最終更新日 : 2026-02-01 続きを読む