BELLE"Aray! Anak ng... ang sakit!" halos mapalundag ako sa sakit habang binubuhat papasok ng ospital. 'Yung Mang Kanor na 'yun talaga, bwisit! Paano ako nagawang barilin?"Ma'am, kalma lang po," sabi nung nurse. "Malapit na po tayo, konti na lang.""Kalma?! Paano ako kakalma eh duguan 'tong balikat ko?!" singhal ko. "Bilisan niyo na lang, huwag na maraming daldal!"Pagdating sa emergency room, agad akong pinahiga. Chineck ng doktor 'yung sugat ko."Daplis lang naman po, Ma'am," sabi niya. "Hindi kailangan operahan. Lilinisin lang po namin at tatahiin.""Sige na, bilisan niyo," sabi ko. "Gawin niyo na lahat ng dapat gawin. Basta mawala 'tong sakit."Habang ginagawa nila 'yung sugat ko, hindi ko maiwasang mag-alala. Paano ko 'to sasabihin kay Jake? Anong idadahilan ko? Baka magduda pa 'yun."Okay na po, Ma'am," sabi nung doktor. "Resetahan ko na lang po kayo ng pain reliever.""Nasaan na pala 'yung mga tauhan ko?" sabi ko."Nasa labas lang po," sagot nung nurse."Papasukin mo," utos ko
最終更新日 : 2026-01-26 続きを読む