Sa emergency room ng Blackwood mansion clinic, magulo. Nakahiga si Lourdes sa stretcher. Maputla. Nanginginig. Namamaga ang labi at lalamunan. Hirap sa paghinga. “Allergy sa butter shrimp,” sabi ng nurse. “Pero mababa ang BP niya. Mukhang food poisoning na rin.” Nakatayo si Patrick sa tabi. Ang kambal ni Paula. Nag-iisip, nagtataka.Tinitigan niya ang mommy niya. Hawak niya ang kamay nito. Malamig. Pero may kakaiba. Kahapon, kumain din siya ng butter oyster sa hapunan. Hindi siya allergic dun. Bata pa lang siya, paborito na niya ‘yon. Pero kagabi, pagkatapos kumain, nakaramdam din siya ng paninikip ng dibdib. Para siyang hindi makahinga. Para siyang mauubusan ng hangin. Pinagpawisan siya. Akala niya pagod lang. Ininom niya ng tubig at natulog. Gumaling din kinabukasan.Ngayon, nakikita niya yun kay Mommy. Pero mas malala. “Hindi ito simpleng allergy,” bulong ni Patrick sa sarili. “Hindi butter shrimp ang dahilan.”Tumingin siya sa paligid. Nandoon sina Alexander at Bell
Read more