Dalawang araw na ang lumipas mula sa food poisoning ni Lourdes Blackwood. Stable na, pero mahina pa rin ngunit hindi ma ito naka-oxygen. Nang una kasi itong dumating sa mansion, may oxygen pa na ikinakabit sa kaniya. May nurse pa din ma nakasubaybay. Pero, all in all, sa awa ng Diyos, ligtas na siya sa panganib. Kaya ngayong hapon, nasa Blackwood mansion ang buong pamilya. Para mag-usap. Para huminga kahit sandali.Sa malaking living room, mabigat ang hangin kahit malamig ang aircon.Nakaupo sa gitna sina Ken at ang mga magulang ni Paula — sina Jacob at Lourdes Blackwood. Si Jacob, mahigpit ang hawak sa kamay ng asawa. Kakagaling lang nila sa hospital. Si Lourdes, naka-wheelchair pa rin kahit pansamantala lang. Maputla, pero gising. At sa tapat nila, si Ken. Kalmado sa labas. Pero pagod ang mga mata. 2 araw rin siyang nagbantay kina Lourdes at personal na sinamahan ang fiancé na si Paula.“Salamat at nakaligtas ka, Mrs. Blackwood." sabi ni Ken. Tumingin siya kay Lourdes.Ngumit
Mehr lesen