"FATHER GOD in heaven, please help us to find him. We just lost our Dad. Kaya't parang-awa mo na, AMA, ituro mo na po kung saan namin makikita si Clarence." Taimtim na panalangin ni Mheljorie.Ilang araw na ang lumipas ngunit wala pa ring lumalabas na resulta sa investigation tungkol pagkawala ni Clarence."Huwag po kayong mag-alala, Mama, dahil tutulong po ang AGDA sa pagtuklas kung nasaan si bayaw, at nakausap ko na rin si General Aguillar ( Ethan) nagbilin na rin daw siya sa mga tauhan niya," sabad na rin ni Jameston."Tama po ang asawa ko, Mama Mhel. At saka hindi naman po titigil ang nasabing grupo para alamin kung ano nga ba ang puno't-dulo ng pagkawala ni insan." Pagsang-ayon pa ni Janellah."Maraming salamat mga anak sa suporta ninyo. And, yes, sana nga kay AMA at darating na ang panahong iyon. Dahil hindi pa kaya ng damdamin ko ang muling mawalan ng mahal sa buhay. I was hurt so bad although lahat tayo alam kong masakit ang pagkawala ni Daddy. Subalit ako ay parang
Last Updated : 2025-08-26 Read more