"HONEY! HONEY!" sigaw ni Clarence.Kaso kasabay ng pagsigaw niya ay nabulabog yata ang FLYING DRAGON sa mahimbing na pagtulog dahil pumalahaw ito ng iyak."I'm sorry, Baby Sean. We need your Grandma that's why I shouted." Isinayaw-sayaw niya ito upang patahanin.Dahil sa sigaw ng asawa ay dali-daling pumanaog si MaCon. Nadatnan niya ang asawang isinasayaw-sayaw ang kanilang apo na pumapalahaw nang pag-iyak, samantalang ang ina into parang wala sa sarili."Mariz Kaye, anak. Sa ganitong pagkakataon ay huwag mong hayaang talunin ka ng emosyon mo. Magpasalamat tayo dahil ligtas kayong mag-ina," aniya ng makalapit siya."Magpasalamat? Tama ka po, Mommy, nakauwi kami ng anak ako pero wala namang kasiguraduhan kung makakaligtas ba ang asawa ko." Napatungo si MK dahil sa kaisipang baka kung ano na ang nangyayari sa kaniyang asawa."Why, Hija? I, mean...paanong walang kasiguraduhan kung makakaligtas pa siya o hindi?" tanong ni MaCon.Pero hindi na sumagot si Mariz Kaye sa ina. Tiwala naman siy
Terakhir Diperbarui : 2025-10-13 Baca selengkapnya