COUPLE of WEEKS later..."Ako ang nababahala sa anak natin, hon. Halos isang buwan na simula nang pumanaw ang kasintahan niya kaso hanggang ngayon wala pa ring ipinagbago ang lahat sa kanya," nababahalang wika ni MaCon sa asawa."Iyon na nga, Hon. Wala namang problema kahit hindi siya magtrabaho dahil may mga tauhan naman tayo sa ticketing booth kaso ang kalusugan naman niya ang sumusuko. Halos hindi na siya naaarawan, kung hindi natin sinesermunan hindi na siya kumakain, kung hindi siya inaasar ng kambal niya ay malamang ganoon din. Ayun din kay Mariz Kaye, kung hindi pa niya ito tinuturukan ng pampatulog hindi rin natutulog. Ano kaya ang maganda nating gawin sa kaniya, Honey?" tanong ng Ginoo.Ibubuka pa lamang ng Ginang ang labi upang sagutin ang asawa kaso biglang sumulpot ang panganay nilang anak na galing sa mga kaibigan. Kaya naman ito ang binalingan kaysa ang kausap na asawa."Ikaw naman, Brian Niel. Aba'y nasa Pilipinas ka wala sa barko kaya't huwag kang gala nang gala. Alam
Last Updated : 2025-10-04 Read more