Tahimik ang gabi sa Rockwell Mansion. Ang mga chandeliers ay kumikislap habang nagbabantay sa katahimikan ng buong bulwagan. Sa labas ay mahigpit ang seguridad. Bawat gate ay may nakapuwesto, bawat sulok ay binabantayan ng CCTV. Ngunit kahit gaano katatag ang paligid ramdam ni Dawson ang bigat na nakasiksik sa kanyang dibdib. Parang may bagyong paparating na hindi niya maiiwasan. Nakaupo siya sa study room habang hawak ang isang baso ng alak na hindi man lang niya ginagalaw. Hindi siya mapakali. Mula nang makaharap niya ang mataas na opisyal ng pulisya kanina, isang bagay ang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya...Bakit parang binabalewala nito ang sinabi niya tungkol sa Red Bulls? "Hindi ito basta-basta," bulong niya sa sarili. Pinapabigat ang mga palad sa mesa. "Hindi ko kayang iwan si Farah na walang proteksyon. Hindi ko hahayaang maulit ang mga kasinungalingan at dugo ng nakaraan." Nang bumukas ang pinto, pumasok si Farah ng naka-nightdress at may hawak na tasa ng gatas. Tah
최신 업데이트 : 2025-09-10 더 보기