"Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit kayo nag iiyakan santisima naman," aniya na papalit palit ang tingin sa amin pagkalapag ng mga pagkain na dala. "Ikaw kaya ang dapat naming tanungin ng ganyan. Bakit ang tagal mo? Ikaw ba ang nagluto ng barbeque na yan ha," ani Cheska."Hindi lang naman barbeque ang binili ko noh! Bumili din ako ng mga small cake para sa comeback ni Aya at tatlong pizza," ani Jam. Tumayo kami bigla ni Cheska at kinuha ang mga dala ng bruha. Mga favorite pala namin ang mga to."Thank you best friend, love na love mo talaga kami," ani Cheska."Thanks bess," ikli kong pahayag at yumakap sa kanya."Kanina kung makausig kayo sa akin akala naman ninyo naki tanan na ako. Yang ugali ninyong dalawa na yan ang tanggalin ninyo ha! We are already an adult here, nasa tamang edad na tayo na gawin ang mga gusto natin as long as wala tayong maapakan na mga iba," mahaba niyang paliwanag. Nagsisihan tuloy kaming dalawa ni Cheska, hetong babae kasi na to kung ano ano ang iniisip.
Last Updated : 2025-09-07 Read more