Pabalik balik akong naglalakad sa salas habang nag iisip kung saan ba nagpunta ang mga yun. Ilang oras na silang wala. Nawala na rin ang antok at gutom naming tatlo dahil sa matinding pag aalala. Hindi ko alam pero hindi kasi maganda ang aking pakiramdam. "Hayaan na lang muna natin sila, magluto na tayo gutom na gutom na ako. Hindi naman mawawala ang mga yun, magagaling sila kaya kumalma kayong dalawa diyan," ika ni Cheska na nakahawak sa kanyang tiyan."Umorder ka na lang para ihatid nila dito," ika ni Jam sa kanya. Hindi ako umiimik dahil napapa isip ako kung bakit napakatagal ng mga yun."Kararating lang natin dito noh!!! Wala akong alam sa lugar na ito," naka simangot na sabi niya."Lumabas ka na lang at maghanap ng bilihan diyan," sabi naman ng isa."Wala naman akong nakitang bilihan diyan sa labas nang makarating tayo dito kagabi," ika nito."Aya...ano ba magsalita ka naman diyan? What do you think? Anong gagawin natin," sunod sunod na tanong nito. Bumaling ako dito at sinabing
Read more