Halos babasagin lahat ng kubyertos na kulay puti. Parang alam ko na ang favorite color ni Hansel, white! Napangiti na lang ako. Sabagay nuetral color naman kasi ang puti at malinis tingnan. Naupo na ako at hihintayin ko na lang ang pagdating ni Hansel. Maaga- aga pa naman. Hindi pa naman ako gutom dahil panay tikim ko ng chopsuey at sinigang habang ako ay nagluluto. Halos isang oras na rin akong matiyagang naghihintay kay Hansel at unti- unti na ring lumalamig na ang niluto kong ulam. Mukhang hindi pa uuwi ang isang iyon. Konting tiis pa Hannah. Kahit medyo gutom na rin ako ay naghintay pa rin ako ng ilang minuto bago nagpasyang mauuna na lang kumain. Bakit hindi ko kasi kinuha ang numero niya para matext o matawagan ko siya tuloy para akong tangang timang na mag-aantay sa hindi malamang oras kung kailan siya uuwi. Wait! Para na ring ako nitong maybahay na naghihintay sa kanyang mister na makauwi galing sa trabaho. Eh, ano pa nga ba! Asawa ko na nga si Hansel kahit pa impo
Terakhir Diperbarui : 2025-12-26 Baca selengkapnya