Jax's PoVNakatitig pa rin ako sa magandang mukha sa harap ko nang hindi man lang kumukurap. Kailanman ay hindi ako natutulog, at 'yon ang pagkakataon ko para namnamin ang ganda ng babaeng 'to, kahit na halos araw-araw ko naman 'yong ginagawa—ang patagong pumapasok sa bahay niya at pinagmamasdan siya habang tulog sa kuwarto niya.Makahimbing pa rin ang tulog ni Ivanna pagkatapos ng ginawa namin kagabi. Sa wakas, ako—ewan ko ba kung anong demonyo ang sumanib sa akin—ginawa ko ang matagal ko nang pantasya: ang makipagtalik sa kanya. Kahit hindi ko alam kung ginawa niya 'yon nang kusa at mula sa puso tulad ko, o para lang maglabas ng pagnanasa na hindi mailabas-labas dati, ang sigurado lang, nagesyahan ko 'yon.Hinaplos ko ang maganda niyang mukha. Kahit walang make-up at wala na ang kalasingan, napakaganda pa rin niya. Marami siyang hindi alam, at hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang lahat. Pero kahit papaano, pagkatapos ng araw na 'to, maihahayag ko rin ang lahat nang dahan-da
Read more