Jax's PoV"Nakita mo ba siya?" tanong ko kay Ayden, na pang-ilang beses nang bumisita sa akin. Tumango ang lalaki. Pero hindi ko mabasa ang ekspresyon sa mukha niya. "May problema ba? Okay lang naman si Ivanna, 'di ba?"Umiling si Ayden tsaka tumingin nang diretso sa mga mata ko. "Hindi siya okay, Jax. Kailangan mong gumawa ng paraan. Bakit hindi ka humingi ng tulong kay Jason? Siguradong tutulungan ka niya. Nakakalimutan mo yatang kapatid mo ang clan leader na makakatulong para makalaya ka. Walang maglalakas-loob na kumontra sa kanya."Totoo ang sinabi ni Ayden, pero hindi ako ang tipong hihingi ng tulong sa kapatid ko. Sa mga intensyon at balak niya kay Ivanna, imposibleng pumayag ako roon. At 'yon siguradong magiging kondisyon niya.Blood moon, ritual eating, at pagpapalakas ng angkan ang goal ni Jason. Kahit hindi ko alam kung may kinalaman 'yon kay Ivanna, hindi ko nakikitang tama ang paraang 'to."Alam mo naman kung paano si Jason. Walang libre sa mundong 'to, Ayden."Tumango si
Read more