Ang Pagbabalik ng ExTahimik ang opisina ng mayor nang araw na iyon. Si Katey, nakaupo sa gilid ng mahaba at makintab na mesa, hawak ang isang folder ng mga papeles para sa mga proyekto ng barangay. Naka-bun ang buhok niya, simpleng puting blouse at itim na slacks ang suot—professional, strict, at walang kaek-ekan. Si Calvin naman ay nakaupo sa swivel chair niya, nakasandal at seryosong nagbabasa ng report mula sa treasurer.“Mayor, pirmahan niyo po itong tatlong request. Urgent daw for approval,” sabi ni Katey, iniabot ang folder.Tumango si Calvin at ngumiti nang tipid, “Aba, mas mabilis ka pa kaysa sa secretary ko. Hindi ka na lang kaya ang maging Chief of Staff ko?”“Bodyguard ako, hindi sekretarya,” malamig pero may bahid ng biro ang sagot ni Katey.Ngumisi si Calvin. “Bodyguard na may attitude.”Bago pa makasagot si Katey, biglang bumukas ang pinto ng opisina. Pumasok ang isang babae—matangkad, naka-high heels, fitted na pulang dress na hanggang tuhod, at buhok na kulot na tila
최신 업데이트 : 2025-08-18 더 보기