Home / Romance / Protecting the Playboy Mayor / Chapter 16-Malayo Sa gulo

Share

Chapter 16-Malayo Sa gulo

Author: Ugly_Pretty15
last update Huling Na-update: 2025-08-19 06:22:47

Kinaumagahan ay maagang nagising si Katey para sana magluto ng almusal. Pero agad niyang naisip na hindi naman siya ganoon kagaling magluto—fried rice, pritong hotdog at itlog lang ang kaya niya. Nakakahiya naman kay Mayor kung iyon lang ang ihahain ko, bulong niya sa sarili habang bumabangon.

Pagbaba pa lang niya ng hagdan ay sumalubong na agad ang mabangong halimuyak ng bawang at sibuyas na niluluto. Napakunot ang noo niya. Sino kayang maagang nagluluto?

Mabilis niyang tinungo ang kusina at hindi siya nagkamali. Doon ay nadatnan niya si Mayor Calvin na nakatalikod habang nagluluto. Naka-apron ito pero nakahubad ang pang-itaas kaya labas na labas ang maskuladong dibdib at braso. Para itong modelong naligaw sa kusina—perpekto ang hubog ng katawan mula balikat pababa hanggang sa baywang.

Napalunok si Katey nang hindi oras. Para siyang natulala habang pinagmamasdan ang likod nito. Grabe, ang gwapo ng mayor na ito kahit nagluluto lang. Para akong nanonood ng cooking show na Rated SPG.

“U
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Protecting the Playboy Mayor    Chapter 27

    Hapong-hapo si Calvin nang matapos ang sparring. Halos hindi na niya maramdaman ang mga daliri niya sa sobrang sakit ng kamao, at ang bawat hinga niya ay parang tinutusok ng libo-libong karayom. Sa damuhan siya halos bumagsak, ngunit pinilit niyang manatili sa kanyang dalawang paa.Nakatutok pa rin ang mga mata ng Montenegro brothers sa kanya. Parang may hatol na ibababa, at hindi niya alam kung anong klase iyon—paghusga ba o kaunting respeto.“Not bad,” sabi ni Michael, nakahalukipkip pa rin ang mga braso. Ang boses niya ay walang emosyon, pero may bahid ng pagkilala. “Hindi pa sapat. Pero at least hindi ka umatras.”Si Zaeyon, na kanina pa nagsusulat-sulat sa clipboard, ay ngumiti nang mapanukso. “Documented. Mayor survived day one.” Sabay tawa, pero alam ni Calvin na hindi iyon simpleng biro.Lumapit si Maverick, nakangisi. Tinapik niya ang balikat ni Calvin, sapat para halos matumba ito. “Akala ko bibigay ka kanina. Pero tumayo ka pa rin—respect, Mayor. Hindi pa kita gusto, pero b

  • Protecting the Playboy Mayor    Chapter 26 – Hazing the Playboy

    Hindi pa sumisikat ang araw nang dumating si Calvin sa training grounds ng Montenegro estate. Ang mga mata ng mga bodyguards at sundalo ay nakatutok na sa kanya, nakahanda sa anumang command. Sa kabila ng paghahanda, ramdam pa rin ni Calvin ang kaba. Hindi niya alam kung anong klaseng "welcoming party" ang naghihintay sa kanya.Puno ng sigawan at ingay ang paligid—mga bodyguards na nagsasanay, ilang sundalo na ginagawa ang mga drills, at ang mga sound ng putok ng baril mula sa firing range. Ang mga Montenegro brothers? Andun na. Si Michael, si Maverick, si Zaeyon, at si Charlie—lahat ay nag-iintindi sa kanya, at hindi sa pinakamagandang paraan.Kahit pa ang araw ay hindi pa ganap na sumisikat, hindi na kayang itago ang pagka-prangka at lakas ng presensya ng bawat isa sa kanila. Si Michael, na parang pinaka-responsable, naka-cross arms, habang si Maverick ay may hawak na whistle, at si Zaeyon ay may clipboard na parang referee. Si Charlie, medyo tahimik lang, pero may anak na sa tabi a

  • Protecting the Playboy Mayor    Chapter 25 – Lagot Ka mayor

    Tahimik ang hapag-kainan sa mansyon ng Montenegro. Kung titingnan mula sa labas, para lang silang isang normal na pamilya na nagtatanghalian. Pero sa loob ng mahaba at mamahaling mesa, may nakabibinging bigat ng mga titig—apat na pares ng mata ang nakatuon kay Calvin Fuentebella.Nakangiti si Calvin, kunwari’y kampante habang hawak ang kubyertos. “Masarap ang sinigang ni Manang,” casual niyang sabi. Pero sa loob-loob niya, para siyang binabaril ng X-ray vision ng mga kuya ni Katey.Nasa dulong bahagi si Chief Ramon, nagbabasa ng folder, pero paminsan-minsan ay sumisilip, halatang binibigyan ng kalayaan ang mga anak na lalaki niya na suriin si Calvin.Sa kanan ni Katey nakaupo si Calvin, pero tila gusto siyang batuhin nito ng siko dahil alam niyang sinusubukan siyang i-bully ng mga kapatid.---“Mayor Calvin…” panimula ni Michael, ang panganay, habang marahang hinihigop ang sabaw. Kita sa mga mata nito ang awtoridad ng pagiging eldest at isang haligi ng pamilya. “So tell me… paano mo b

  • Protecting the Playboy Mayor    Chapter 24– The Courting Chaos

    Si Calvin Fuentebella, Mayor ng lungsod at kilalang charming playboy, ay nakatayo sa harap ng bahay ng Montenegro, may hawak na bouquet ng rosas at isang malaking ngiti. Para sa kanya, isang simple, sweet gesture lang ito—pero sa harap ng pamilya ni Katey, parang umaabot ito sa pinakamahirap na mission na kailanman niya na-encounter. “Okay, Calvin. Kaya mo ‘to,” bulong niya sa sarili, sabay tapik sa dibdib. Pero bago pa man siya makalapit sa pintuan, bumukas ito at lumabas si Michael, panganay ni Katey, nakasuot ng casual na polo at shorts, may hawak na tasa ng kape, at isang tingin na kayang magpabalik sa kanya sa probinsya. “Ah… Mayor,” bati ni Michael, boses seryoso pero may halong pang-aasar. “Ano ba ‘yan? May dala kang… rosas?” “Y-yes, para kay Katey,” sagot ni Calvin, sinusubukang magmukhang confident pero ramdam na ramdam niya ang tensyon sa paligid. Michael, na protective sa lahat ng oras, tumayo ng straight at tumingin kay Calvin. “Mayor, alam mo ba kung gaano ka ka-late

  • Protecting the Playboy Mayor    Chapter 23 – Confrontations

    Mainit ang hangin sa NAIA nang bumaba si Katey kasama sina Michael at Maverick. Parehong sugatan ang mga kuya niya pero buhay—at iyon ang pinakamahalaga. Nakasuot siya ng simpleng dark jacket, backpack sa likod, at dala ang mga mata ng isang taong galing sa impiyerno at nakabalik nang matagumpay.Paglabas nila sa arrival gate, sasalubong sana siya ng liwanag at pag-asa. Pero ang bumungad ay isang mabigat na presensya—Chief Ramon Montenegro, nakatayo, suot ang uniporme ng PNP Chief, mahigpit ang mata.“Papa…” mahinang bati ni Katey.Hindi ito agad sumagot. Dahan-dahang lumapit, sinuri siya mula ulo hanggang paa, saka ibinaling ang tingin sa mga anak niyang kapapasa pa lang ng kalbaryo. Nang masigurong buhay ang dalawa, saka lamang ito bumaling kay Katey.At doon pumutok ang boses ni Chief Ramon.“ANONG NASA ISIP MO, AYESHA KATE MONTENEGRO?!”Napatigil ang lahat ng tao sa paligid. Lahat ng pulis escort at ilang civilian na nakarinig ay napalingon. Pero si Katey, nakayuko lang, mariing p

  • Protecting the Playboy Mayor    Chapter 22 – The Secret Mission

    Hindi makatulog si Katey buong gabi. Habang nakahiga siya sa kama, paulit-ulit na bumabalik ang boses ng ama sa isip niya—“execution… live… broadcast.” Parang martilyong paulit-ulit na tumatama sa dibdib niya. kuya Maverick, kuya Charlie Dalawa sa pinakamalalakas na taong kilala niya, dalawang kuya na laging nagtatanggol sa kanya noong bata pa siya. At ngayon, sila naman ang nangangailangan ng tulong. Alam niyang may diplomatic channels, may gobyerno, may mga sundalong nakatalaga. Pero kilala niya ang Abu Sayyaf. Hindi ito laban ng salita. Ito ay laban ng dugo, taktika, at tapang. At alam niya: wala nang oras para maghintay. --- Mabagal siyang bumangon at dumiretso sa maliit na kwarto kung saan nakatago ang mga gamit niya. Isa-isa niyang binuksan ang mga maliliit na kahon at compartment. Una, ang combat daggers—manipis, matalim, at kayang pumatay nang walang ingay. Pangalawa, dalawang handgun na may silencer attachment. Pangatlo, sniper rifle na may high-powered telescopi

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status