Nagawa man naming iwanan pansamantala ni Sir Kyle ang problema para sa isang business trip sa America, hindi pa rin iyon nangangahulugang natakasan na namin iyon. Sa ngayon ay naririnig ko ang usapan nilang dalawa dahil naka-video conferencing si Sir Alexander sa aking boss. Halata ko sa kaniyang boses na dismayado siya sa mga pangyayari lalo na at hindi rin niya alam na nalusutan siya ng kaniyang anak."Sinasabi ko sa iyo, sinayang mo ang isang magandang opportunity dahil sa ginawa ninyong dalawa ni Jessica," sabi ni Sir Alexander kay Sir Kyle. "Kung hindi pa sinabi sa akin ni Rico ang tungkol sa pakikipagrelasyon mo ay hindi ko pa malalaman na mayroon kayong relasyon ng iyong secretary. Are you out of your f*cking mind?"Nakita ko na humugot ng isang malalim na hininga si Sir Kyle, "Dad, please, huwag ka munang dumagdag sa stress namin ngayong araw. Naghahanda kami ni Jean Antoinette para sa isasara naming deal mamaya.""I do not care about it! Ang inaalala ko ay ang sasabihin ng na
Huling Na-update : 2025-09-16 Magbasa pa