Hindi nagsisinungaling sa akin si Sir Kyle nang pumasok kami sa loob ng movie house. Literal na kaming dalawa lang ang nasa loob at wala kaming ibang kasama. Ni hindi na rin kami pumunta pa sa bilihan ng popcorn dahil may nakahanda na rin mismo sa loob. Kulang na lang ay kandila at masasabi kong candle lit dinner na iyon sa loob ng sinehan."Alam kong busy ka masyado sa trabaho kaya ito ang naisip kong paraan para makapag-date tayo," sabi ni Sir Kyle sa akin. "Occupied ka pa rin kapag weekends kaya kung sakaling aayain kita sa mga araw na iyon ay alam kong tatanggihan mo lang ako."Speechless ako nang sandaling iyon. Hindi ko mahanap sa aking utak ang gusto kong sabihin sa kaniya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang hinawakan ang aking kamay."Shall we go to our seat now para mapanood ko ang movie na sa tingin ko ay magugustuhan mo," sabi niya sa akin bago pa man niya ako inalalayan papunta sa upuan.Hindi ko alam kung ano ang aking aasahan sa movie na napili niya nang sandaling iyo
Tulad nang sinabi sa akin ni Sir Kyle, iniwan na niya sa akin ang creative part ng runway. Binigyan niya ako ng kontrol sa paggawa ng design hanggang sa pagpili ng tela na gagamitin para sa mga nasabing damit. Ang kailangan ko lang isipin lagi ay ang masiguro na pasok sa standard niya ang aking ginagawa."Hindi ka na raw lumalabas kaya pinadalhan ka na ni Sir Kyle ng pagkain," sabi ni Sir Roman habang inilalapag sa aking mesa ang pagkain. "He's concerned with your health lalo na at ang naging priority mo na yata ay ang project na ibinigay niya sa iyo."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan, "Masisisi mo ba ako kung iyong project ang mas priority ko ngayon? I mean, ako ang in-charge sa buong project mismo. Kailangan kong masiguro na okay ang lahat."Tiningnan ni Sir Roman ang kapaligiran nang oraz na iyon, "I bet, Sir Kyle will be proud of your work dahil nakikita niya ang effort na ibinibigay mo sa kaniya.""Sana nga, maging proud siya sa aking gawa," sagot ko in a hopeful to
Kahit na sabihin pang kumalat na sa opisina ang tungkol sa relasyon namin ni Sir Kyle, siniguro niya na hindi iyon makakaapekto sa kaniyang trabaho bilang CEO. He is disciplined enough na hindi niya palalampasin ang mga pagkukulang ko sa trabaho."This design is too plain and boring para maging bahagi ng fashion show," sabi ni Sir Kyle sa akin nang binisita niya ang aking portfolio."But it has bright and vibrant colors tulad ng sinabi mo sa akin," sagot ko sa kaniya. "Ang assignment na ibinigay mo sa akin ay retro vibes dapat ang makikita sa design.""But it does not even embody the vibe," sabi ni Sir Kyle sa akin. "Ang ginawa mo lang ay maglagay ng vibrant colors and that's it."Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan. Sa totoo lang ay nagpipigil lang ako ng inis dahil alam kong tama naman ang aking ginawa. "Give me your pencil," sabi sa akin ni Sir Kyle in a cold tone. "I'll show you kung ano ang kulang sa gawa mo."Ayaw ko nang makipag-deal pa sa kaniyang tantrums kaya ibi
Everything is back to normal pagkatapos ng aking pakikipag-usap kay Jake. Para akong nabunutan ng tinik dahil sa wakas ay nagawa ko na ring ipamukha sa kaniya na wala na kami, tapos na ang lahat sa aming dalawa. Aminin ko, hindi ako satisfied sa aking paghihiganti, pero nasa mabuti akong isipan kaya hindi ko na ilalagay pa ang batas sa aking mga kamay. Satisfying na rin para sa akin na makita silang nakakulong sa mga kasalanang ginawa nila.Since balik normal na nga ang lahat ay ramdam na ramdam ko na rin ang pagtaas ng libido ni Sir Kyle. He is already intimate with me kahit na nasa loob pa kami ng kotse."Kyle, ano ang ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya nang naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking hita. "Hindi ba, nagmamaneho ka?"Isang mahinang tawa ang kaniyang pinakawalan, "So what? Wala namang nakakakita sa atin. Isa pa, officially, we are in a relationship naman.""Oo nga, in a relationship na tayo pero --"Hindi ko nagawang ituloy ang aking sasabihin dahil naramdaman ko ang p
Sabi nila, blood is thicker than water. Ilang beses pa akong sinubukang suyuin ni Papa para lang palabasin mula sa kulungan si Andreah pero hindi na ako nagpatinag. We are not family anymore kaya hindi ko na problema kung ano man ang mangyari sa dati kong kapatid. Tapos na ang obligasyon ko sa kanila. Iyon nga lang, may isang bahagi pa rin ng aking pagkatao na nagsasabing kailangan ko pa rin siyang makita sa huling pagkakataon para sa closure na gusto kong mangyari. Kung makikipagkita ako kay Andreah ay kailangan ko ring makipagkita kay Jake.“Sigurado ka ba na wala ka nang nararamdaman para sa mokong na iyon?” tanong ni Sir Kyle sa akin.Isang tango ang aking ibinigay, “Para na rin sa aking peace of mind. Hindi rin naman ako makakapag-move on sa buhay kung nakatali pa rin sila sa akin.”“Gusto mo bang samahan kita sa kulungan?” tanong ni Sir Kyle na sinagot ko ng isang iling. “You have work today,” sabi ko sa kaniya. “Ayaw kong isipin ng mga kasamahan natin na inaabuso
Hindi na ako nagtaka nang mga sumunod na araw ay muli akong tinawagan ng mga magulang ko na ilang buwan na rin akong inabandona. They are always in favor of Andreah kaya hindi na ako magtataka kung masama ako sa kanilang paningin. "Huwag mo nang sagutin ang tawag na iyan," sabi ni Sir Kyle sa akin. "Hindi rin naman magbabago ang aking isipan tungkol sa kanila." "Wala naman akong sinabi na kukumbinsihin kitang palayain mo sila," sagot ko. "Naiintindihan ko rin naman kung bakit pinakulong mo na silang tuluyan. Paninirang-puri na rin kasi ang kanilang ginawa laban sa iyo." Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Sir Kyle, "Paninirang-puri sa akin? Are you serious? Ikaw ang nagkaroon ng injury sa ating dalawa dahil sa malisyosong video na ipinakalat nila. Hindi makakakita ng dahilan sina Abegail na saktan ka kung wala ang video na iyon." "Alam ko naman iyon, pero kung hindi naman ako napagtulungan ay makakalaban ako nang maayos," giit ko sa kaniya. "Sigurado ka?" tanong ni S