Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman nang isang araw ay nakatanggap ako ng chat mula kay Jake. HIndi iyon isang simpleng chat ng pangungumusta dahil kalakip ng chat na iyon ay isang litrato na puwedeng makasira sa reputasyon ni Sir Kyle. Ang litratong ipinadala niya sa akin ay ang aktuwal na pagpunta ko sa hotel nang hindi kasama ang aking boss. Malinaw ang larawan kaya mahihirapan akong itanggi iyon. Napilitan akong tawagan ang aking dating nobyo dahil sa larawang iyon. “Kailangan pa pala kitang padalhan ng picture mula sa hotel mismo para mapansin,” sabi ni Jake sa akin sa isang nang-aasar na tinig. “Nagustuhan mo ba ang larawang iyon?” “Ano ang kailangan mo sa akin?” tanong ko kay Jake sa isang seryosong tinig. “Wala akong kailangan sa iyo, pero ikaw, sigurado akong may kailangan ka sa akin,” pang-aasar ni Jake. “Gusto mong ipabura sa akin ang picture, hindi ba?” “Oo, gusto ko iyong ipabura sa iyo,” sagot ko sa kani
Last Updated : 2025-08-31 Read more