Kahit na ano pa ang gawin ni Sir Kyle ay hindi pa rin nawawala sa aking isipan ang nangyari sa fashion show at kung paano iyon kumakalat sa social media. Alam kong naiipit na rin siya sa sitwasyon at kung wala akong gagawing desisyon ay mas lalo lang siyang maiipit. Worse, itakwil pa siya ng sarili niyang ama dahil lang sa akin. "Sigurado ka na ba sa gusto mong gawin?" tanong ni Roman nang sinabi ko sa kaniya ang aking desisyon. "Baka naman nabibigla ka lang kaya nais mong --" "Ilang beses ko na itong pinag-iisipan. Sa totoo lang ay alam nating pareho na walang mangyayari sa amin dahil magkaiba ang aming estado," sagot ko sa kaniya. "Ilang beses na rin naman iyong isinampal ng kapalaran sa akin kaya hindi ako tanga upang ipaglaban ang isang bagay na hindi magiging akin kahit kailan." "Jean Antoinette, ipinaglalaban ka ni Sir Kyle. He will do anything para lang masiguro na mananatili ka sa kaniyang tabi," sabi ni Roman sa akin. Isang matalim na tingin ang ibinigay ko kay Roman,
Last Updated : 2025-10-18 Read more