CELINE'S POVAfter namin kumain at makontak ko ang mga kasama namin sa ground breaking ay umalis kami. "Minamadali niyo na po talaga ang pagpapagawa ng inyong publishing house ate Celine," nakangiting sabi sa akin ni Serenity. Tiningnan ko siya saka nginitian bago sumagot. "Oo, you know naman one of my dream is to have my own publishing company. Hindi lang story ang ipupublish, pati mga learners book for other children na need ng mga ganyan ay bibigyan ko," puno ng saya na sagot ko. Masaya akong tumulong sa mga mahihirap. Specially sa mga hindi kayang mag-aral dahil kapos sa pera at minsan sa mga bahay ampunan. Hindi ko naman itinatanggi na kaya ko rin ginagawa ito para bumawi sa kanila dahil hindi magagawa ng ama ko iyon. Hindi niya magagawang bigyan ng pansin ang mga batang nasa lansangan, ang mga mahihirap. Ang mahalaga sa kaniya ay kumita ng pera. Ilang minuto lang ay nakarating din kami sa wakas sa pupuntahan namin. "Narito na po tayo," imporma sa amin ni Lucas. Nagsibaba n
Last Updated : 2025-08-24 Read more