Agad na ibinurol ang bangkay ni Lucas. Ibinurol siya sa isang chapel malapit sa bahay ng kaniyang Kuya. Nag-imbisitiga na rin sila tungkol sa pagkamatay ni Lucas."Ayon sa imbistigasyon, iyong killer ng tauhan niyo ang pumatay," sabi ng imbistigador kay daddy. Hindi ko lubos maisip na pati si Lucas ay idinamay. Wala siyang kasalanan pero bakit nadadamay siya? Naguguluhan ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung paano ito tatanggapin ng sistema ko. Masyadong magulo, masyadong maraming nangyayari ngayon. Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito? Sa sobrang inis ko ay minaneho ko ang sasakyan ko sa lugar kung saan ay mapapag-isa ako Lugar kung saan wala akong maiisip na kaguluhan. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko. Hindi ko alam kung paano intindihin ito. Sobrang nakakapagod. Sobrang nakaka-stress. Malapit na si Lucas sa akin kaya ganito na lang ako naapektuhan. Habang nagmuni-muni ako ay bigla akong nakaramdam ng kamay sa balikat ko. "Anak alam ko mahirap para sa iyo ang nangyayari, pero th
Last Updated : 2025-08-26 Read more