JanellaNaghahalo ang kaba, takot at saya sa isip ko habang inaantay ang pagsagot ni Dwayne kay Madam Elena. Halata sa itsura ng mga ito na parehong silang shock at hindi makapaniwala sa mga nangyayari. Nang tumingin sa akin si Tito Bernard ay lihim ito na ngumisi at tumango saka naupo sa sofa na malapit sa kama ng ina ni Dwayne.“Dwayne, huwag mo sanang itanggi ang magiging anak ninyo ni Janella, may proof kami na ikaw ang ama dahil pina DNA na namin ang bata sa sinapupunan niya at makikita ninyo kasama ng ultrasound ang test result na nagpapakita na 99% na ikaw ang tatay. Pwede kayong magtanong kay Dr. Orland Santos kung totoo ang mga iyan dahil siya ang doctor ng pamangkin ko,” ani Tito Bernard.Yumuko si Dwayne at hinawahan ang kamay ng ina, “Ma, hindi ko rin expected na mabubuntis ko si Janella, pero hindi naman kasi nakakapagtaka dahil… May nangyayari naman talaga sa amin. I mean, hindi naman ako gumagamit ng protection.”Inis na napahawak sa ulo si Madam Elena, “Anak, you have
Last Updated : 2025-09-08 Read more