BERNARDNakaupo ako sa sofa, may baso ng alak sa kamay. Malamig ang gabi sa labas, pero mainit sa loob ng kwarto. Habang iniikot ko ang alak sa baso, ramdam ko ang tensyon sa dibdib ko.“Bernard” sigaw ng isa sa mga tauhan namin, habang umiinom din sa kabilang dulo ng lamesa. “Ano plano mo kapag nakuha mo na si Janella?”Napatingin ako sa kanya, “Walang utang na loob ang babae na ‘yun,” sagot ko, halatang galit. “Kahit dila o mata niya, may latay sa akin.”Tumahimik ang paligid pagkatapos kong sabihin ’yon. Uminom ako ng alak, pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko, bumalik sa isip ko ang mga alaala. Mga alaala na pilit kong tinatabunan noon, pero ngayon, malinaw na malinaw.Naalala ko si Janella nung sanggol pa lang siya.Patay na ang magulang niya noon. Car accident. Biglaan. Kaibigan ko ang mga magulang niya, matagal na. Kaya nung wala na sila, hindi ko na inisip pa. Kinuha ko si Janella. Inuwi ko sa bahay ko.“Ako na bahala, papalakihin ko si Janella,” sabi ko noon sa sarili ko.L
Last Updated : 2026-01-28 Read more