LeslyKinagabihan, habang inaayos ko si Baby Jake, napansin kong parang hindi maayos ang pakiramdam ni Nancy. Nakita ko na pilit siyang huminga nang mabagal at halos hindi makagalaw, na para bang may dinadala siyang sakit sa loob ng katawan.“Lesly…” mahina niyang sabi, at nakatingin sa akin ang mga mata niya, punô ng pagod at kirot. “Ang sakit… parang tumitindi.”Napatingin ako sa kanya, nag-aalala. “Nancy… sandali lang, titignan kita.”Ngunit bago ko pa man maabot siya, may marinig kaming yabag sa koridor. Pumasok si Shane, nakangiti pero may malamig na aura. “Lesly,” sabi niya, mabilis ang tono, “tumawag na ako ng ibang doktor para silipin si Nancy.”Napalingon ako sa kanya, bahagyang napakamot sa ulo. “Bakit pa, Shane? Hindi ba kaya mo ako kinuha ay para may doktor na titingin sa kanila… kay Nancy at kay Baby Jake?”“Huwag kang makialam, Lesly. Wala kang karapatan dito. Ang doktor na ito ang titingin sa kanila, at huwag mo pakielaman ang mga desisyon ko.”Sa loob-loob ko, alam kon
Última actualización : 2026-01-30 Leer más