Matamang nakatitig si Anie sa kuwintas na hawak-hawak niya. It was the necklace that Alvaro gave her. Hindi niya pa maiwasang mahulog sa malalim na pag-iisip sa tuwing tinititigan niya ang naturang alahas. Ayon kay Philip, heirloom iyon ng pamilya Savalleno, isang patunay na hindi biro ang halaga niyon.Alam niyang hindi nagsisinungaling si Philip nang sabihin iyon sa kanya. Totoong galit ang nakita niya sa mukha ng matandang lalaki nang malaman nitong binigay sa kanya ni Alvaro ang kuwintas. At sa totoo lang, hindi malaman ni Anie kung bakit iyon ginawa ng binata. Why would he give that necklace to her? Wala silang ugnayan maliban sa pinagbayad siya nito ng isang kasalanang hindi naman ang kapatid niya ang may gawa.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga saka inilagay nang muli sa loob ng isang maliit na kahon ang kuwintas. Pagkatapos, tinitigan niya ang kanyang sarili sa maliit na salaming nasa ibabaw ng mesa. Nasa loob siya ng silid ng inookupa niya sa apartment nina P
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-19 อ่านเพิ่มเติม