“I-I am glad you came, Anie,” saad ni Marcelo sa mahinang tinig habang may ngiti sa mga labi.Gumanti rin ng ngiti si Anie sa kanyang ama kasabay ng marahan niyang paghakbang palapit sa kamang kinahihigaan nito. Bakas na ang katandaan kay Marcelo, maging ang pagiging mahina ng katawan nito. At kahit pa lumaki siyang hindi malapit sa kanyang ama ay hindi niya pa rin maiwasang mag-alala para rito.Nakalabas na ito ng ospital at ngayon ay sa bahay na lamang tuluyang nagpapagaling. Though, she saw a nurse a while ago and Anie knew she was personally taking care of her father. Sa yamang mayroon ang mga De la Serna, nasisiguro niyang hindi pababayaan ng kanyang mga kapatid ang kalusugan ng kanilang ama at kayang-kayang kumuha ng mga ito ng personal nurse.Nang tuluyang makalapit sa kamang kinaroroonan nito ay naupo sa isang silyang nakapuwesto malapit roon si Anie. Matapos niyang makausap ang kanyang Kuya Trace ay ngayon lamang siya nagpasyang dalawin ang kanyang ama. Nagdadalawang-isip pa
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-11-29 อ่านเพิ่มเติม