MARGA Nang magising si baby binihisan ko na ito para maka alis na kami at makapamasyal sa Venice. Heto naman ang isa sa gusto kong puntahan sa Italy. Rome, Venice at Florence. Sakay na kami ng sasakyan na maghahatid sa amin doon. Habang si baby naman ay hindi mapakali sa kinauupuan at gustong laging nakatayo. "Malayo pa ba tayo, love?" tanong ko sa kanya. "Medyo, love. Bakit naiinip ka na ba?" balik na tanong nito sa akin. Nahihiya man ako magsabi pero sobrang naiinip na nga ako. Gusto ko sanang maidlip kaso ang ligalig ng anak namin. "Gusto mo bang magsleep?" biglang tanong niya sa akin, ng mapansing humihikab na nga ako. "Sana kaso--" natigilan ako sabay nguso kay baby Troy na hindi naman mapakali kaka ikot sa inuupuan. "Sige, ako na bahala sa kanya. Magsleep ka na muna." sagot niya sa akin at kinuha si baby Troy sa akin. Nang nakita ko na ok naman at naglalaro lang si baby at ang asawa ko. Sinimulan ko ng maidlip dahil antok na talaga ako dahil maaga akong n
Last Updated : 2025-11-02 Read more