Mag gagabi na ng maisipang tawagan ni Mira si Gerlie para magpasalamat sa kanyang kaibigan sa pagkaing pinadala nito. Tinawag niya at agad namang sumagot ito. "Hello, bii napatawag ka ata dis oras na ng gabi." bungad na wika ni Gerlie. "Wala naman bii, gusto ko lang sana na mag thank you sayo sa pinadala mong pagkain kanina. Ikaw naman nag abala ka pa talaga." ani ni Mira at talagang nagpapasalamat siya sa kanyang kaibigan na kahit loka loka ito ay may care pa din naman sa kanya. "Huh? Anong pinadalang pagkain? Gaga ka ba! Wala akong pinapadalang pagkain sayo." balik na wika nito. At inasar pa siya ulit. "Akala ko ba wala kang sakit bii, bakit parang meron. Nag hahalucinate ka lang dyan hahaha. "Ha? Kung di ikaw sino???" Natigilan siya bigla wala naman siyang order di rin nagsabi ang Mommy niya sa kanya. Kung hindi si Gerlie at si Mommy, sino iyon? "Waaaah." tili niya. "Baliw dyan ka na nga." wika ni Gerlie bago patayin ang tawag niya matapos mairita sa tili niya kanina.
Last Updated : 2026-01-13 Read more