Natigil ang pag gunita ko ng pumasok si Marga na iba ang tingin sa akin. "Bakit, Marga? May sakit ba ako?" tanong ko. "Gaga, wala kang sakit. Buntis ka sinong ama nyan? Mga hardinero ba o guard? Mag sabi ka kundi tatamaan ka sa akin." galit na tanong ni Marga "Hindi sila.." "Kung hindi sila, sino?" "Si A...Ardy.." "W..What? Yan pa yong ka chatmate mo? Nakipag kita ka sa kan'ya?" usisa ni Marga at hindi ako pwedeng magsinungaling dito. "Oo, two months ago. Sorry, hindi ko naman alam na mabubuntis ako." sagot ko. "Gaga nakipag sex ka tapos mag expect ka na hindi ka mabubuntis. Anong titi meron yon para hindi ka mabuntis. Gumamit ba kayo ng condom? Umiling iling ako at sinabi na; "Babalikan naman niya ako sabi niya." "Sabi niya, paano kong hindi na. Gaga ka kasi, bakit ka nagpa buntis. Sana nag ingat ka. Paano ka pa makakapag aral nyan. Akala ko ba mag- eenrol ka pa sa next sem, so paano na?" tanong nito. Natahimik na lang ako kasi tama naman siya sa mga sinabi niya.
Last Updated : 2025-11-15 Read more