Nagising ako sa ingay ng aking cellphone, napadaing ako ng bumangon ako sa kama at napahawak sa aking ulo. Ang sakit ng ulo ko na parang binibiyak ito, halos hindi rin ako makakita dahil namamaga ang aking mga mata. Sinagot ko ang aking cellphone ng makuha ko ito, hindi ko tiningnan kung sino ang tumatawag. "Hello..." "Jam, bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag namin. Kahapon pa kami tawag ng tawag sayo," bulyaw ni Cheska na ikinalayo ko sa aking tenga. "Ano ba naman Cheska, umagang umaga naninigaw ka diyan. Natulog ako ng maaga kagabi kaya hindi ako nakasagot sa mga tawag ninyo," sagot ko sa kanya."Anong umaga ka diyan? Alas diyes na kaya...wait wait...kagigising mo lang?" Tili nito na mukhang hindi makapaniwala. Hinawakan ko ang aking tenga at mukhang natulig na ata sa lakas ng boses nito."Can you lower down your voice, urghhhhh...nakakairita ka umagang umaga," ani ko at napahawak sa aking ulo ng makaramdam ako ng kirot nito. "I cant calm down here...how can I? Alalang alala
Dernière mise à jour : 2026-02-02 Read More