Kumuha ako ng lakas ng loob bago lumabas, nakita ko siyang prenteng nakaupo sa salas na may hawak na laptop. Mukhang nagtratrabaho ito kaya busy sa kanyang ginagawa, sa aura niya pa lang na yan para na itong hari na lahat ng gusto makukuha. Ibang iba na siya, hindi na siya gaya ng dati na lalampa lampa. Nakakatakot kung siya'y tumitig, sa tingin pa lang niya akala mo na maiihi ka sa takot. "Don't waste your time staring that won't help you. I will give you one hour only to prepare a food," nagulat ako sa pagsagot nito. Napaka linaw ng boses na nakakatakot pero very manly naman ng dating."Papunta na," maikli kong sagot. Tumingin ako sa aking relo at nakita kong mag alas otso na ng gabi. Mahapdi na rin ang aking tiyan dahil sa wala pang kain hanggang kaninang umaga. Binilisan kong pumunta sa kusina at tumingin ng mailuluto. Mamaya ko na siya iisipin ang importante sa ngayon ay ang matapos ko na ang pinapagawa nito. Napabuntong hininga ako at nag concentrate sa pag prepare ng pagkain,
Dernière mise à jour : 2026-02-08 Read More