Kumain ako nito bago naglabas ng pwedeng maluto mamayang gabi. Marami pa naman akong stock, binilhan ako ng lalaking yun kaya walang problema sa pagkain sa ngayon. Problema ko lang siya, kung paano ko siya makakausap.Marami akong babayarin ngyong darating na buwan kaya kaylangan ko siyang makausap. Bakit ba napakahirap niyang hagilapin? Napakaraming bawal, kesyo kaylangan daw ng appointment. Hayyysssstttt, sana nga makausap ko na siya bukas. Kumakain ako ng bigla akong makatanggap ng tawag mula sa dalawa kong kaibigan. "Yes dear..." pahayag ko, tumatawag sila sa gc namin. "Hindi raw makaka attend itong si Aya at may trabaho daw siya mamayang gabi," bungad ni Cheska."Ganon ba...akala ko pa man din makaka attend siya...hhhmmmppp, yang babaeng yan puro na lang trabaho ang inaatupag. Wala na siyang pahinga," pahayag ko."Hintayin nating pick up niya ang tawag natin para malaman mo. Sinabihan ko na siya kanina kaso mapilit ito. Maraming bisita daw ang club na yun kaya magtratrabaho daw
Última atualização : 2026-08-21 Ler mais