Amara's POV Kinabahan ako habang papalapit sa akin si Cely. Hinawakan ni Adrian ng mahigpit ang aking kamay. " Cely, kumusta? May resulta na ba ang mga lab test ko?" hindi ko maiwasan manginig. Ngumiti siya sa akin at binasa ang resulta ng laboratory test ko. Nakahiga kami ng maluwag ni Adrian dahil okay naman ang resulta ng test ko. Safe na din si baby sa loob ng aking tiyan. May mga pinagbawal lang siya ulit na mga pagkain. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag napahamak ang pinagbubuntis ko. Lahat naman ng mga tagubilin ni Cely ay sinusunod ko. " Bakit ganun nalang ang pananakit ng tiyan at pati sikmura ko, Cely?" " In early pregnancy, tumataas ang antas ng hCG (human chorionic gonadotropin) at progesterone. Ang progesterone ay nagpaparelax ng mga smooth muscles, kaya bumabagal ang paggalaw ng tiyan at bituka. Nagdudulot ito ng kabag, constipation, at pananakit ng tiyan." Mahabang paliwanag niya. Dahan-dahan muna akong bumangon para sumandal sa headboard ng kama.
Read more