Amara's POV Iyong anino ng tao na nakita namin sa cctv, walang iba kundi iyong isang tauhan ni Adrian na nagbiro sa akin kanina na baka aswang daw. Nakita ko ang pag-igting ng panga ni Adrian sa galit. " Please, ayaw ko ng marahas,Adrian. Baka may dahilan siya kung bakit niya ginawa 'yon." " Babe, wag mong laging bigyan ng rason ang isang tao na nagbabalak ng masama sa kapwa nila. Kaya ka inaabuso ng iba dahil sa subrang kabaitan mo. " " Ibig sabihin ba nito,kung may masama ka din ginagawa sa akin. Hindi na din kita bibigyan ng pagkakataon na magpaliwanag gan'on ba?" Malakas siyang bumuntong-hininga," Bakit napunta na sa akin ang usapan,babe? Ang tauhan ko ang pinag-usapan natin dito. Anong ginawa niya sa terrace natin ng ganitong oras?" " Yeah, you're right.Ang gusto ko lang naman wag mong daanin sa marahas na parusa ang tauhan mo." Ngumiti siya sa akin. "Simula nang makilala kita, Amara, sinisikap kong magbago para na rin sa sarili ko, kay Jairus, sa’yo, at sa mga
Magbasa pa