Amara's POV Diretso ang tingin niya kay Adrian. “Long time no see, Villanueva,” malamig niyang sabi. Natigilan ang lahat. Unti-unting nagbago ang atmosphere sa gym kaninang masaya at maingay, ngayon biglang naging tense. Narinig kong may mga estudyanteng nagbulungan. “Who is that?” “Friend niya ba?” “Bakit parang galit siya?” Napalingon si Adrian.At sa unang pagkakataon kanina, nakita ko siyang hindi agad nagsalita. Sandaling katahimikan. Yung tipong kahit hangin, parang huminto. “Didn’t expect you to show up here,” malamig na sagot ni Adrian. Ngumisi ang lalaki. “Of course. I wouldn’t miss seeing you… playing the perfect man.” Parang may sumuntok sa dibdib ko sa narinig ko. Perfect man? Bago pa ako makapagsalita, naglakad siya ng konti papalapit, saka tumingin sa akin—diretso, parang sinusukat ako mula ulo hanggang paa. “So this is her,” malamig niyang sabi. Nanigas ako.Hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumigat ang paghinga ko. “Cute,” dagdag n
Magbasa pa