“Si Jayson, si Jayson, nasaan si Jayson,” bulong ni Cleo habang yakap-yakap ang sarili. Lumayo muna siya para mag-isip. Hindi na siya mapalagay nang marinig niya ang nangyari kay Jayson. Nakita niyang papalapit si Butler Shing, hindi na siya nahiyang magtanong.“Butler Shing.” Atubiling hinagilap niya ang braso ni Butler Shing.“Bakit po Binibining Cleo, may maipaglilingkod po ba ako sa inyo?”“Ah… Butler, si… si Jayson po ba, alam n'yo po ba kung anong nangyari sa kanya at kung nasaan na siya ngayon?”“Nabaril po siya at dinala sa hospital.”Nabuhayan ng pag-asa si Cleo. “Oh my God, oh my God, salamat naman sa Diyos. Saan po bang hospital siya dinala?”“Pasensiya na Binibining Cleo pero dinala na siya sa isang private hospital at hindi ko pwedeng sabihin sapagkat iniingatan po namin siya sa banta ng kaaway.”“Ganon po ba?” Naluluha si Cleo at bagsak ang balikat sa narinig niya mula kay Butler Shing. “Ibig sabihin po ba hindi ko siya makikita ngayon?”“Maaring matagalan,” maikling sag
Terakhir Diperbarui : 2026-01-16 Baca selengkapnya