Ngumiti naman si Loraine habang sumusubo. Sa isip-isip niya, talagang babawi siya ng tulog dahil sobrang napuyat siya.“Ikaw rin, magpahinga ka, kagagaling mo lang sa sakit baka mabinat ka.”“Don’t worry about me, gaya ng sabi mo nalamigan lang ako, hindi naman malala ang naging sakit ko. Siya nga pala nasaan si Gio?”Kumunot naman ang noo ni Loraine at bahagyang natawa habang patuloy sa pagsubo.“Wala na siya, umuwi na kasi may pasok pa ‘yon e. Bakit mo natanong?”“Nothing, naisip ko lang siya.”“Hmmm, teka kaya ka ba sumugod kagabi e dahil nagseselos ka kay Gio.”Naramdaman ni Ibrahim ang panginginit ng kanyang pisngi na pilit naman niyang ikinukubli.“No, of course not,” tanggi niya.“Hmmm selo ka e…” pangungulit ni Loraine.“I said no,” napipikon na tugon ni Ibrahim.“Sus… ikaw talaga. There’s nothing to be jealous of, kaibigan ko lang si Gio. Saka ikaw lang ang mahal ko ano ka ba.”“Talaga ba?”“Opo Mr. Ibrahim Kalif.”HANGGANG sa matapos nila Loraine ang bakasyon na kasama si Ib
Terakhir Diperbarui : 2025-11-17 Baca selengkapnya