Ang buong akala ko, demons are bad. Pero mali ako, ang demonyo ay walang sunggay, matutulis na ngipin o pangit na mukha. Demons are wearing suits, neckties and have handsome faces. At isa sa kanila si Damon. Napailing ako sa naiisip ko. Ano ba itong nararamdaman ko? Iniisip ko kung paano ako napunta sa sitwasyon kong ito. Bago ako umalis, may sira na ang tablet. Nagpatulong pa nga ako kay Damon eh. Namili ako ng mga gamit at damit ko para sa trabaho na ngayon hindi ko alam kung ayos pa. Sana maayos pa. Matapos niyang ibuntong sa akin ang galit niya, gumawa ng eksena, ngayon si Damon na ang bahala sa kanya. Responsibilidad na naipasa ko, dahil hindi ko alam ang dapat na gawin. Napahilamos ako sa sarili ko, wala na akong nagawa ng tama. Tumanaw ako sa labas, valet driver ang nagdala ng sasakyan ni Natalia, at sasakyan ni Damon ang ginamit nila paalis. Napahinga ako ng maluwag, oo pero hindi nawawala ang guilt. Inayos ko ang sarili ko, iniligo ko ang masamang pakiramdam at saka ko bi
Last Updated : 2025-09-11 Read more