Stolen Bride of My Enemy

Stolen Bride of My Enemy

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-08-29
Oleh:  leemoonaudrieBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
Belum ada penilaian
6Bab
8Dibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Angel Artego, a previous runway Model in her previous year before the car accident happened years ago, wala itong maalala. Since that day Micaelum Hernandez has been her anchor to survive in a world that runs by money. Everything will change when Ambrose Damon Delvego finds Cael, full of vengeance. In a snap, Cael went into comatose.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter One

Napahawak ako sa ulo ko, ito na naman ang sakit na nararamdaman ko. Kaunting tama lang ng liwanag sa mga mata ko parang hinahati ang mga eyeballs ko sa sakit at hapdi.

Nagising ako sa himbing ng tulog ko dahil sa sakit na madalas kong indahin lalo na kapag hindi ko naiinom ang maintenance ko. Lumubog ang kabila ng kama nang maupo si Cael, inalalayan ako nitong maupo.

“Masakit na naman ba ang ulo mo? Yung gamot mo nakainom ka ba?” May pag-aalala nitong tanong. Napakagwapo talaga ni Cael, napakamaalaga rin.

“Sobrang sakit..” Napayuko ako habang hinihilot ang sintido ko. “Isang linggo na akong hindi nakakainom, nahihiya akong sabihin sa ‘yo. Ngayon pang nawalan ka ng tranaho ulit.” Bulong ko.

Napabuntong hininga si Cael at inayos ang buhok kong nakakalat sa pagmumukha ko. Natanggal siya sa pangatlo niyang trabaho ngayong buwan. Kaya nahihiya akong banggitin ang tungkol sa mga gamot ko. Pero ngayon kasi, parang mababaliw na ako sa matinding sakit!

Hinalikan ako ni Cael sa noo, naamoy ko ang sabong gamit niya. Bihis na bihis ito at mukhang aalis ulit para maghanap ng trabaho.

“Iiwan muna kita. Nagluto ako ng itlog at sinangag para sa ‘yo. Kumain ka habang wala ako,” tumayo na ito at inayos ang buhok niya sa salamin pero nakatingin ang mga maya niya sa akin mula sa reflection ng salamin. “Kapag nakakita ako ng trabaho ngayong araw, pipilitin kong ibili ka ng gamot.”

Muli akong nahiga. Matinis ang tunog na parang nasa kalooban ng ulo ko. Mataas na frequency ang patuloy na tumutunog. Hindi ako makapag-palit-palit ng posisyon sa kama dahil sa parang may tubig ng utak ko.

Nag-suot ng medyas si Cael. Bago pa nito masuot ang isa pang pares niya, bigla akong tumayo para iabot ang sapatos niya. Matinis na tunog muli sa loob ng ulo ko ang muntik na magpabagsak sa mga tuhod ko.

Agad akong nasalo ni Cael. “Angel, sinabi ko na sa ‘yo. Magpahinga ka.” Hinalikan ako nito sa noo. “Ayokong tumulong ka sa akin. Just let me do it alone, ok?”

Tumango ako at bumalik sa higaan. Naisintas na niya ang sapatos niya at muling nagpaalam.

“Kumain ka ng marami, okay?”

Tumango lang ako, at sinuklian siya ng matamis na ngiti. Gwapo, matangkad, maaalahanin at masipag. Siya ang perpektong tao na dapat pakasalan or sinasabi nilang husband material. Ipaparamdam niya ang tunay na princess treatment dahil sisikapin niyang ibigay lahat ng bagay. Kahit walang kami.

“Oo, kakain ako. Nang marami.”

Walang label as in platonic friendship. No intimate feelings. It was clear as the sky when I woke up from that tragic pain.

Micaelum Hernandez is my knight in shining armour. Since that day, siya lang ang tumayong pamilya ko. Kung sinukuan niya ako, o hindi ako sinalba mula sa kotseng naibangga ko, patay na sana ako.

Mula sa gastusin ng pagpapaayos ng mukha, pagpapabalik sa mga alaala ko, mga maintenance kong gamot. Alagang-alaga niya ako.

Sumarado ang pintuan, napahiga ako ulit at nakatitig sa kisame ng apartment namin. Naalala ko pa noong unang araw ko sa lugar na ito, para akong nawawalang bata na hindi pamilyar sa mga nakapaligid sa akin.

Parang batang kinidnap na hindi marunong umuwi. Mula sa apartment namin, rinig ang ingay ng kalsada sa labas. Ingay ng mga sasakyan sa syudad. Malapit sa highway ang apartment namin, katapat lang kung walang gate bilang boundary.

Nasa ikatlong palapag ang unit namin, ilang pinto lang ang layo nito sa magkabilang dulo na hagdan bilang labasan.

Napatitig ako sa ceiling fan na nasa kisame. Umuugong ito na parang may nakabara sa loob. Napapikit ako sa pagsakit ulit ng ulo ko dahil sa ingay ng electric fan.

Napatayo ako at agad dumiretso sa hapag, agad kong dinampot ang pitsel at umumom mula roon.

“Teka,”

Agad kong dinampot ang wallet ni Cael na naiwan sa lamesa. Nagdali-dali akong lumabas sa pintuan ng unit namin.

“Cael!” Sigaw ko habang nagsusuot ng tsinelas. 

“Bakit ka naman kumakaripas, neng?” Tanong ni Aling Nena na kapitbahay namin. Inangat ko ang wallet ni Cael, at tumango lang sya saka tinuro kung saan dumaan si Cael, “Kakababa lang.”

Agad akong nanakbo pababa ng hagdan at ilang beses sumilip sa labas kung nakaalis na ba siya ng tenement.

“Cael!”

Muli kong sigaw nang makita ko siyang palabas ng main gate ng tenement. Nasa ikalawang palapag palang ako!

Nilingon ako ni Cael nang makalabas siya ng gate. Ngumiti ito sa akin.

“Wallet mo!” Sabay taas ko sa wallet niya.

Nginitian ako nito ng mas malapad. Nagslowmotion ang paligid at sumara ang gate.

Kasunod noon ay sigawan at mabilis na takbuhan palabas ng gate. Isang mamahaling sasakyan ang nakita ko kasunod ay nakahandusay na katawan.

Kapareho ng damit ni Cael bago siya umalis.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Matinis na tunog ang umuugong sa tenga ko. Na nagtrigger sa sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa grills ng hagdanan.

Itim na kotse. 

Malabong paligid at ingay ng mga taong nag-aaway. 

May nakawedding dress. 

Baril na nakatutok sa akin. 

At babaeng kamukha ko na pilit nakahawak sa mga braso ko. 

Napatingin ako sa batang yumugyog sa akin sa katinuan. “Ate Angel, patay na si kuya Cael!” Si Charmi, pitong taong gulang na apo ni Aling Nena.

“Hindi!” Muli akong lumingon sa gawi kung saan ko nakita si Cael.

Lumamig ang pakiramdam ko. Napahawak akong muli sa ulo. Inalalayan ako ni Charmi, ngunit hindi ako nakaya ng musmos niyang katawan nang magdilim ang paningin ko at bumagsak sa malamig na semento ng tenement.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

Tidak ada komentar
6 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status