Ilang buwan na simula nang makabalik sila Alessia sa Manila. Masayang-masaya sila at doon na nakatira sa mansion ng binata. Hinahanda ang kasal nila sa nalalapit na February 18, 2019. Hindi na rin siya hinayaan ng lalaki na magtrabaho bilang assistant nito. Mas gusto raw nitong manatili sa bahay at aalagaan ang anak nila, para pagkauwi niya may sasalubong daw rito sabay yakap at halik sa binata. Minsan napapailing na lang talaga siya sa kalokohan ng magiging asawa niya. Pero masaya naman niyang tinanggap ang gusto nito. Siya lagi ang nagluluto nang makakain nila, minsan pa nga hindi pumapasok o late pumasok sa opisina ang binata dahil nakikipag kulitan pa ito sa anak nila. Tulad ngayon, parehong nakaupo sa sofa ang mag-ama niya habang nagkukulitan. Lumabas siya ng kusina at nilapitan ang dalawa. "Hey! Tama na 'yan, kumain na tayo at baka mahuli ka na naman sa trabaho." Saad niya rito. "It's ok. Ikaw naman may-ari ng kompaniya, mas gusto ko kayong makasama kesa sa opisina ko."
Terakhir Diperbarui : 2025-09-23 Baca selengkapnya