NANG oras na ng tangahalian ay lumabas si Toni sa kampo para bumili ng ulam pero dinala niya rin iyon pabalik sa loob dahil walang bakante na mesa sa karnderya. Ayaw niyang makipagsiksikan doon sa ibang sundalo at civilian employee. Ayaw niyang pinagtitinginan siya ng mga lalaking sundalo doon.Habang naglalakad siya ay nakasalubong niya ang isang drill instructor na makapal ang kilay. Hindi niya alam ang first name nito pero paminsan-minsan ay nakikita niya itong naglalakad sa kampo. Noong nakaraan nga ay nakasabay niya ito sa paglalakad.ALMANZOR ang nakalagay sa uniform nito. May bitbit itong mangkok na may umuusok na sabaw, at tupperware.“Kakain ka rin, ma’am ?” tanong nito sa kanya. Ang salita nito, may accent ng Bisaya.“Oo, sir,” alanganin niyang tugon. “Sabay na tayo,” yaya nito. “Ikaw `yong nasa opisina ni Sir Escalante, `di ba?”“Yes, sir. Ako `yong may contract of service.” Sumabay siya rito sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa labas ng isang kubo na may mesa.
Last Updated : 2025-09-18 Read more