PALIHIM lang na nakamasid si GB kay Toni na nagpiga ng calamansi sa sawsawan station sa mess hall, naglagay ng toyo, kumuha ng kubyertos, pagkatapos ay naghanap na ito ng mesa na pwedeng pwestuhan. Kasama nito si Ellen. Ang ulam nito na kinuha ay ulo ng manok na adobo, menudo at pritong isda na hinati at ulo din na part ang kinuha nito. Nagtaka siya. Dati naman ay hindi ito kumakain ng ulo. Lagi nito iyong ipinapasa sa kanya.Pero baka nahiya rin itong kumuha ng desenteng slice ng ulam. Dahil alam niyang hindi komportable si Toni kapag wala itong ambag sa kinakain nito. Ayaw niya ring mangolekta ng ambag sa mess hall dahil may budget naman sila para doon. “So, how’s married life treating you? Already siring a mini-me?” nakangising tukso sa kanya ni LA.Naroon sila sa pinakadulo ng pila, may bitbit na pinggan. Mga isang metro ang layo nila sa mga sundalo dahil baka may dumating pa na kakain kaya pinapauna nila sa pila.Umalis na kasi ang commandant ng PMC dahil may gagawin pa ito. I
Her mind panicked yet she tried to think of a way to explain the situation without revealing the truth. “I…I don’t know, maybe I accidentally deleted them?” Parang gusto na lamang niyang mag-shrink sa kinatatayuan.Gumalaw ang mga panga ni GB. She saw his knuckles turmed white. “You deleted all our photos? I only told you to delete the contract numbers, not our photos together.”She had indeed deleted the contract numbers as he had instructed, pero dahil nagagalit siya pati mga litrato ay dinamay niya.Ang masaklap pa, hindi na niya iyon ma-recover. Naunahan kasi siya ng emotion niya noon. “I-restore mo!” mahina pero may diin na utos sa kanya ni GB.“H-hindi ko kaya. Na-clean ko na kasi ang mga nasa trash…sorry.” “Magaling," sarkastikong wika nito.“What shall we do? Sasabihin ko ba na later na ako mag-send kasi may bisita pa dito or manahimik na lang ako at sabihing busy sa trabaho? Kaso lunch time na kasi. iisipin ng lola mo na nag-check ako ng phone ko at impossible na hindi ko
Toni was thankful GB didn’t play god. Hinayaan siya nitong ilabas ang basura. Habang naglalakad pabalik sa apartment ay hindi pa rin mawala-wala ang kaba niya. Kahit noong nasa opisina na siya ay hindi siya mapakali. Huling linggo na niya iyon sa trabaho. Hindi na siya makapaghintay na umuwi sa bahay niya na binili ni GB. But waiting felt like forever. Gusto na lang niyang hilahin ang oras para hindi na siya masyadong mag-alala sa sekreto niya. Kapag kasi nasa opisina siya, five days a week niyang makikita si GB. She knew that soldiers were trained to observe and notice even the smallest things, and she couldnt help but wonder if GB would notice the subtle changes in her body that hinted at her pregnancy. He has a keen eye for detail at nangangamba siyang hindi magtatagal ay may mapupuna na ito. Kaya mabuting hindi sila magkita.The more they interact with each other, every conversation, every glance felt like a slippery lane, and she couldn't shake the feeling that she was just o
“Ano? Hindi ka pa rin makatulog? Gusto mong patulugin kita?” “Balik ka doon sa pwesto mo,” sabi ni Toni. Tinitigan siya ni GB. “Baka hindi ka makatulog kasi hindi mo ako katabi?” “Hindi talaga ako makatulog kasi nandito ka,” sisi niya rito. Nakaramdam siya na naiihi siya kaya bumaba siya sa kama, ini-on ang ilaw at pumasok sa banyo.Pagbalik niya ay sa sahig na nakahiga si GB. Nakaunan ito sa dalawang kamay nito. “Baka na-stress kaya hindi ka makatulog,” sabi nito sa kanya. “Gusto mo bang ilabas yang stress mo?” Kinindatan pa siya nito. Tumaas ang isang kilay ni Toni. Parang iba na ang ipinapahiwatig nito. “Alam ko na yang mga hirit mo na yan. Wala akong gana,” matapat niyang sabi. Kung ibang araw siguro iyon ay nag-dive na siya padapa kay GB, pero noong gabing iyon, shes not in the mood. “Okay. Hindi naman kita pipilitin. Pero kung gusto mo…” Sinadya ni GB na ibitin ang sinasabi nito.Ngumisi-ngisi pa ito. Sa inis ay pinatayàn niya ito ng ilaw. Sumampa siya sa kama at inay
HINDI makatulog si Toni. GB's harsh words swirled in their head like a restless storm that refused to subside.Wala na itong magandang sinabi sa kanya. At dapat ay wala siyang pakialam pero deep inside, nasasaktan siya sa mga sinabi nito.Dumampot siya ng libro at sinubukan na lamang niyang magbasa. Nagbabaka-sakaling kapag napagod ang kanyang mata ay baka hulahin na rin siya ng antok. But the problem was, she felt like she lost the ability to engage with the book shes holding. Hindi niya masyadong maintindihan ang mga nakasulat doon. Mas lalo siyang na-distract nang makarinig siya ng katok.“Pwede ba akong pumasok?” boses iyon ni GB. “Hindi ako makatulog sa sofa.” Nahihibang na ba ito? Bakit doon pa ito matutulog gayong may limang silid sa bahay nito? Saka akala ba niya galit ito sa pagiging ‘malandi’ niya? Pinilit niyang habaan ang kanyang pasensiya. Pasasaan ba at matatapos din ang kontrata nila at hindj na sila magkita. Ang sarili na lamang niya ang kanyang iisipin kapag nangy
Matagal nang nakapark ang sasakyan ni GB sa labas ng apartment ni Toni. Pinag-iisipan niya kasi kung kausapin niya si Toni o hindi.Malinaw naman ang kasunduan nila na puwede silang makipagrelasyon kahit kanino kahit kasal na silang dalawa. Kaya dapat ay wala siyang gagawin sa natuklasang may ibang lalaki sa buhay ni Toni. Pero hindi siya mapakali.Gusto niyang malaman kung sino ang lalaking iyon at kung ano ang intensiyon nito. Baka isang gold digger lamang ito at gagamitin si Toni para sa pera na ibinayad niya bilang kapalit ng kanilang kasunduan.Nagpasya siyang bumaba sa kanyang sasakyan. Kahit mayroon siyang duplicate key sa apartment nito ay kumatok pa rin siya. Alam niyang gising pa ito dahil nakabukas ang ilaw sa loob ng silid nito.“Toni…” Pangalawang katok na niya iyon. “Sandali!” tila naiinis na sigaw nito. Naisip niyang baka nagbabasa ito at naistorbo niya kaya nainis.Nang buksan nito ang pinto at mabilis rin itong tumalikod. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang namum