Chapter 85 – Shadows at the Gate Madaling araw. Tahimik ang buong villa, pero ramdam ang kaba sa hangin. Halos wala nang imik si Celine habang nag-aayos ng mga bag. Sa bawat lagay niya ng damit sa maleta, parang tumitibok nang mas mabilis ang puso niya. Hindi niya alam kung saan sila pupunta, basta ang alam lang niya—kailangan nilang makalayo bago pa lumala ang sitwasyon. Si Liam naman, nakatayo sa may bintana, hawak ang maliit na pocket knife na parang extension na ng kamay niya. Hindi na siya nagpapakita ng sakit kahit may sugat pa sa balikat niya. Ang mga mata niya ay alerto, matalim, parang isang sundalong handang sumabak kahit anong oras. “Are you sure about this?” tanong ni Celine, halos pabulong habang isinasara ang maleta. “Celine,” sagot ni Liam, hindi inaalis ang tingin sa labas, “I’d rather move now kaysa hintayin silang kumilos. The longer we stay here, the more vulnerable we are.” Tumango si Celine, pero ramdam ang kaba. Habang nilalapitan siya ni Liam, hinawakan
Last Updated : 2025-09-20 Read more