“Mommy, iiwan mo na po ba kami ni daddy at kuya?” Biglang nagsalita si Nica sa gitna ng titigan nila ni Ryker. Napalunok si Blaire nang ibaling niya ang kanyang tingin sa anak. For a six-year-old kid, Nica is incredibly small and thin. Pilit na ngumiti si Blaire sa anak. Paano niya ba ipapaliwanag dito na aalis na siya dahil maghihiwalay na talaga sila ni Ryker? She can’t afford to break Nica’s heart, and she can’t even fight for her family. She was trapped. “Nica, mas mabuti pa magpahinga ka muna, okay?” Aniya sa anak. Nica pouted her pale lips, mas yumakap pa ito sa manika.“Takot ako matulog mommy, baka kasi paggising ko wala ka na.” Umiling ito, bakas sa mukha ang lungkot, “ayoko po mangyari iyon kaya hindi po ako matutulog mommy.” Sasagot na sana si Blaire sa anak nang biglang nagsalita si Ryker. “Nica, baby, you need to rest. Don’t worry about mommy, she’s not going to leave you.” Mabilis na napabaling si Blaire kay Ryker, napuno ng pagtatanong ang kanyang isip, bakas sa
Last Updated : 2025-09-08 Read more