Hindi na nag-aksaya ng panahon si Blaire, kaagad siyang sumugod sa hospital nang malaman niya ang kinaroroonan ng anak.
Parang pinunit ang puso niya nang makita ang anak na nakaupo sa isang silid, yakap-yakap nito ang paboritong manika.
Napakunot ang noo niya nang makita ang babaeng kausap nito. Kilala niya ang babaeng iyon, si Selene. Ito ang ina ng anak ni Samuel na si Enzo.
“Tita Selene, kapag ba ibibigay ko ang bone marrow ko ay hindi na kami iiwan ng mommy?” Nakatingala si Nica sa babae, ang mga mata nito ay puno ng pag-asa.
“Oo, naman. Basta magpapakabait ka at tutulongan mo ang kuya Enzo mo ay matutuwa ang mommy mo. Kaya gawin mo lahat ng sasabihin ko ha? Sigurado ako na iyon ang gusto ng mama mo, Nica.”
Masayang tumango si Nica sa babae. “Opo! Gagawin ko po iyan para matuwa ang mommy at hindi niya kami iiwan!” Masayang saad ni Nica.
Nagtagis ang mga bagang ni Blaire sa narinig. Sino ba ang nagsasabi na pwede maging donor ng bone marrow ang isang anim na taong gulang na bata? Sigurado hindi kakayanin ng maliit nitong katawan ang operasyon. Demonyo lang ang gagawa ng bagay na iyan.
“Anong ginagawa mo?” Binato niya ng masamang tingin si Selen.
“Blaire? Ano ang ginagawa mo dito? Hindi ka dapat nandito?” Gulat na bulalas ni Selene. Namutla ito nang makita ang galit na mukha ni Blaire.
“Ikaw? Ano ang ginagawa mo sa anak ko? Walang hiya ka, dinamay mo pa talaga ang bata sa mga kalokohan mo,” asik ni Blaire sa babae.
“Mommy, ‘wag po kayo magagalit kay tita Selene, sinusunod ko po ang sinabi niya.”
Napakagat si Blaire sa kanyang labi at lumuhod sa harap ni Nica.
“Nica, paano ka ba napunta dito? Hindi ka dapat sumasama kahit kanino dahil delikado iyon.”
“Mommy, nagpapakabait po ako. Huwag n’yo na po iwan kami ni Rafael.”
Hinalikan ni Blaire ang noon ni Nica. “Hindi ka iiwan ni mommy, Nica. Pero may gusto akong gawin mo.”
“Ano po iyon, mommy?” inosente nitong tanong.
“Close your eyes, Nica. May gagawin lang si mommy. Pero promise me, huwag kang titingin ha?”
“Hindi ka po aalis, mommy?” Bakas sa boses nito ang takot na baka iiwan niya. Gusto maiyak ni Blaire. Paano ba naging ganito ang anak niya? Bakit parang ang laki ng trauma nito? Mag-iimbestiga siya, aalamin niya ang lahat, at babawiin niya ang lahat na nawal sa kanya, at kasama na doon ang tiwala ng asawa at anak niya.
“Don’t worry, baby. Hindi ka iiwan ni mommy. Mahal na mahal kita, anak.”
Marahan itong tumangon at saka ipinikit ang mga mata.
Nilagyan ni Blaire ng headphones ang tainga ng bata bako hinarap si Selene.
Nalukot ang mukha nito. “Ang drama mo naman. Hindi ko alam na ganyan ka pala ka-OA, Blaire.” Tumawa ito.
Walang pasabi na hinila ni Blaire ang buhok ni Selene at hinampas niya ang ulo nito sa pader. Hindi pa siya nakuntento ay sinampal pa ni Blaire ng maraming beses ang babae bago niya ito pinakawalan.
“Walang hiya kang babae ka! Ang kapal ng mukha mo para sampalin ako!”
Tumayo ito at doon na nagsabunutan ang dalawa. Hindi nagpatalo si Blaire, ilang beses niya rin sinipa at sinuntok ang babae.
“What the fuck is happening here?”
Gulat na gulat si Samuel nang madatnan niya na nagsabunutan ang dalawang babae. Sabog ang buhok ni Blaire at namamaga ang mukha ni Selene dahil sa natanggap na mga sampal.
Kaagad na tumakbo si Selene kay Samuel para magsumbong.
“Sam, that evil woman beat me! Walang hiya ang babaeng iyan! Call the police now, I want that woman in jail!” Parang bata ito na nagsumbong.
“Blaire, what did you do to her? How dare you beat Selene!” Dumagundong ang boses nito sa buong silid.
“She deserved it! Hindi pa nga ako tapos d’yan! Kulang pa nga iyan sa ginawa niyang panglilinlang sa anak ko!”
Natigilan si Samuel. Hindi niya inasahan ang pagsagot ni Blaire sa kanya. He was used to her acting like a dog when he’s around. She would do anything he commands, and now she seems different.
“Kneel and apologize to her now, Blaire. Kung hindi mo gagawin iyan, hinding-hindi kita mapapatawad. Selene is my child’s mother, you shouldn’t hurt her.”
Ngumisi lang si Blaire kay Samuel.
Umalingawngaw sa buong silid ang lakas ng pagsamapal ni Blaire kay Samuel.
Hindi nagdadalawang-isip si Blaire na sampalin at sipain niya ang maselang bahagi ng katawan ni Samuel. Hindi niya alam kung paano siya na-in love sa lalaking ito. Unang-una hindi niya type ang itsura nito, lalong-lalo na ang ugali nito.
Napaluhod si Samuel dahil sa sakit.
Napasinghap si Selene.
“What the fuck?! How dare you slap me, bitch!” Puno ng galit ang boses nito. Namumula ang mukha nito, iniinda ang sakit ng pagsipa ni Blaire sa pagitan ng mga hita nito.
Pero bago pa man maka-react si Samuel at kaagad niyang hinila ang buhok ng lalaki at sinampal ulit iyon ng pagka lakas-lakas.
“Kung may luluhod man sa ating dalawa ay ikaw iyon!”
“Samuel! Oh my god! Walang hiya ka talaga, Blaire. Pagbabayaran mo itong mga ginawa mong hayop ka!”
Blaire just smirked. Masarap sa pakiramdam na makitang nakaluhod ang Samuel na iyon.
“Kulang pa iyan! Sa oras na lalapit ulit kayo sa anak ko ay hindi ako magdadalawag-isip na ipakulong kayong dalawa!”
“Pero kailangan ni Enzo ang bone marrow. Nangako ka kay Samuel na tutulongan mo si Enzo. Sam, kailangan ni Enzo ang bone marrow ni Nica. Do something! You can’t just let our son die!”
Tumayo si Samuel, tinangka pa nitong hawakan si Blaire pero maagap na lumayo si Blaire sa lalaki.
“Blaire, mahal. Bakit naman bigla na lang nagbago ang isip mo? You promised, right? That you would help Enzo in his disease. Diba sabi ko sayo magpapakasal tayo kapag magaling na si Enzo? Iyon ang gusto mo diba?” Maamong saad ni Sam.
Bigla na lamang nagbago ang tono ng boses nito, naging mabait.
Nalukot ang mukha ni Blaire. Kahit kailan ay hindi siya magpapakasal sa demonyong ito.
“Kasal? Sayo? Nahihibang ka na ba? Bakit ako magpapakasal sayo, e wala ka naman kwentang tao. Kahit kailan ay hindi ako magpapakasal sayo. At saka, may asawa na ako at mahal ko ang asawa ko!”
Dumilim ang mukha ni Samuel, hindi nagustohan ang mga salitang binitiwan ni Blaire.
“Bitch!”
Sasampalin na sana ni Samuel ni Blaire, nang bigla na lamang itong lumipad at nasubsob sa semento.
“Ryker!”
“No one’s hurting my wife and daughter.” Madilim na saad nito.
Hindi pa nakontento si Ryker at tinapakan nito ang braso ni Samuel. “If you hurt my daughter again, I will never forgive you. And stay away from Blaire, she’s still my wife. She’s Mrs. Ryker Montefalcon!”
“Hindi ba’t hiwalay ka kayo ng asawa mo?” Tanong ni Samuel kay Blaire. Naikuyom ni Ryker ang kamao. Hinihintay talaga ng taong ito na maghiwalay sila ng asawa niya. Para ano? Para magamit niya ng husto si Blaire? Kung noon ay nagwawala na kaagad ang asawa niya kapag pinagbantaan niya ang buhay ng Samuel na ito, ngayon ay ito pa ang naunang sumampal sa lalaki. He looked at his wife. Tahimik lang kalmado na ito sa isang gilid habang yakap nito si Nica. Hinahaplos nito ang buhok ng bata na hindi naman nito ginagawa noon.“Umalis na tayo. Kailangan ni Nica magpahinga. She’s exhausted and weak,” wika ni Blaire. Akmang tatalikod na si Blaire nang magsalita si Selene. “You can’t do that! Kung gusto mong umalis, iwan mo si Nica dito dahil kailangan pa siya ng anak ko. Alam mo naman na ito lang ang pag-asa para mabuhay ang anak ko. At kailangan ni Samuel ng tagapgmana. It’s our only shot.” Bakas sa boses ni Selene ang pagkabahala. Gustong matawa ni Blaire. “Ano ba ang pakialam ko sa pam
Hindi na nag-aksaya ng panahon si Blaire, kaagad siyang sumugod sa hospital nang malaman niya ang kinaroroonan ng anak. Parang pinunit ang puso niya nang makita ang anak na nakaupo sa isang silid, yakap-yakap nito ang paboritong manika. Napakunot ang noo niya nang makita ang babaeng kausap nito. Kilala niya ang babaeng iyon, si Selene. Ito ang ina ng anak ni Samuel na si Enzo. “Tita Selene, kapag ba ibibigay ko ang bone marrow ko ay hindi na kami iiwan ng mommy?” Nakatingala si Nica sa babae, ang mga mata nito ay puno ng pag-asa. “Oo, naman. Basta magpapakabait ka at tutulongan mo ang kuya Enzo mo ay matutuwa ang mommy mo. Kaya gawin mo lahat ng sasabihin ko ha? Sigurado ako na iyon ang gusto ng mama mo, Nica.” Masayang tumango si Nica sa babae. “Opo! Gagawin ko po iyan para matuwa ang mommy at hindi niya kami iiwan!” Masayang saad ni Nica. Nagtagis ang mga bagang ni Blaire sa narinig. Sino ba ang nagsasabi na pwede maging donor ng bone marrow ang isang anim na taong gulang na b
Parang winasak ang puso ni Blaire nang mabasa niya ang note na iniwan ni Nica. Anim na taong gulang pa lamang ang anak niya pero ramdam niya kung gaano kasakit para sa bata na maghiwalay sila ni Ryker. Ano ba kasi ang nangyari noong mga nakaraan taon at bakit naging ganito ang bata? Parang malaki ang trauma nito. At si Rafael naman ay halatang malaki ang galit sa kanya. “Sigurado ako hindi pa nakakalayo si Nica. Tara, hanapin natin!” Hindi na nag-aksaya ng oras si Blaire, kaagad siyang bumangon. Pero tinulak lamang siya ni Rafael pabalik sa sofa. “Liar! Alam mo kung nasaan ang kapatid ko! Ibalik mo siya sa amin! Hindi mo kami maloloko, kahit pa magbabait-baitan ka, alam namin na demonyo ka pa rin! Gagamitin mo lang ang kapatid ko para doon sa anak ng kabit mo. Napakasama mong ina!” Nangilid ang mga luha ni Rafael, halos hindi na ito makahinga sa kakaiyak at kakasigaw sa kanya. Susugod sana ulit ang bata para saktan si Blaire pero naagap na kinarga ni Ryker si Rafael at binigay
Blaire was discharged from the hospital the following morning. She hasn’t signed the divorce papers yet. She wanted to know the truth first. Iyon ang aalamin niya ngayong nakabalik na siya. Pero sa labas pa lang ng masyon ni Ryker at sumalubong na sa kanya ang kanyang mga maleta. Malalaking maleta na naglalaman ng kanyang mga gamit. “Umalis ka na, hindi ka namin kailagan dito, Hindi namin kailangan ng salbahis na nanay.” Her son, Rafael, said icily. “Mommy! Huwag ka pong umalis. Ayokong umalis ang mommy, kuya!” Pagmamakaawa ni Nica, pinipigilan ito ni Rafael na lumapit sa kanya.“Don’t waste you tears on a woman like her, Nics. Hindi natin siya ina. Dahil ang totoong ina ay hindi magagawang saktan ang kanyang mga anak. Isa siyang demonyo! Demonyo ka! Umalis ka dito.” Sumisigaw si Rafael, galit na galit ito sa ina. Kahit pa sa murang edad ay ramdam na nito ang galit para sa babaeng sana ay nag-aalaga sa kanila.“Enough of that! Manang Linda, take the kids inside.” Utos ni Ryker. N
Intensive Care Unit, Global Hospital. “Pirmahan mo ang mga iyan sa lalong madaling panahon.” Buo ang boses at walang emosyon na deklara ni Ryker sa asawa. “Ha? Ano naman ito?” Namilog ang mga mata ni Blaire. Teka, ano ba ang ginagawa niya sa hospital? Napakunot ang noo ni Blaire nang makitang mga divorce papers ang laman ng envelope na bigay nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang pangalan ni Ryker sa dulo ng papel. “Iyan naman ang gusto mo, ‘diba? You were begging to end our marriage for your lover. So, wish granted. Are you happy now?” tila may lason ang bawat salitang binitiwan nito, puno ng galit at pagkamuhi. Husband, Ryker Montefalcon. Nakapirma na ito at pirma niya na lang ang kulang. Teka, sandali, parang may mali. Si Ryker Montefalcon ay asawa niya? For real? As in asawa niya talaga ang pinakaguwapo, pinakabata at pinakamayaman na CEO sa buong bansa? Kailan niya pa naging asawa ang ultimate crush niya noong college siya? Bakit wala siyang maalala na kin