Si Regina, halos mawalan ng kontrol, biglang tumayo at mabilis na lumapit kay Xyler. Tinakpan niya ang daraanan ng wheelchair, ang mukha niya ay maputla ngunit ang mga mata’y nagliliyab sa galit. Itinaas niya ang kaniyang kamay at mariing itinuro ang binata, parang gusto niya itong lasunin ng tingin.“Xyler!” mariin niyang bulyaw, halos mabasag ang boses. “Sa wakas, lumabas din ang tunay mong iniisip! Emilio tingnan niyo ngaito ba ang ipinagmamalaki ninyong anak? Iyan ba ang tinatawag ninyong mabuting apo? Kapitan daw? Isang bayani daw?”Bahagyang natawa siya, pero halatang puno ng poot. “Hmph! Ni kahit kapatid mo, hindi mo kayang igalang! Kay Ethan, hindi ka karapat-dapat na tawaging kuya!”Ang bawat salita niya ay tumatama sa hangin na parang sampal, hindi lang para kay Xyler kundi para na rin sa buong pamilya. Ang dining hall ay lalo pang nabalot ng tensyon ang ilan ay napayuko, ang ilan ay titig na titig sa eksena na parang naghihintay ng susunod na pagsabog.Samantalang si Xyler,
Last Updated : 2025-09-09 Read more