Nagmistulang sumabog ang buong sala sa bigat ng rebelasyon. Nanlilisik ang mga mata ni Emilio, halos nanginginig ang buong katawan habang nakaturo sa anak.“Ano’ng sinabi mo?!” sigaw niya, tinig na puno ng galit at poot, para bang bawat salita’y latigo sa hangin.Si Regina naman, nanigas sa kinatatayuan, hindi makapaniwala sa narinig. Unti-unti siyang lumapit kay Ethan, hawak ang bibig na parang ayaw maniwala sa sariling pandinig.“Diyos ko.” mahina niyang bulong, nanginginig ang boses. “Ibig mong sabihin si Elira buntis? At anak mo ang dinadala niya?” Ang mga mata niya’y puno ng gulat, at sa ilalim ng pagkabigla, may bakas ng pagkasabik bilang isang ina.Samantala, si Ethan, nakayuko at hindi makatingin sa alinman sa kanila, ang mukha’y puno ng hiya at bigat ng konsensya.Nanlambot ang tuhod ni Ethan habang mahina siyang tumango, halos hindi makatingin sa mga mata ng kanyang pamilya. “Magdadalawang buwan na.” bulong niya, parang hangin lang ang tinig.Si Regina naman, napahawak sa di
Last Updated : 2025-09-19 Read more