Pero habang inuulit niya sa isip ang mga sinabi ni Xyler at iniisip ang malamig nitong ugali, dama ni Cassandra na kahit manatili siya, wala rin siyang mapapala. Mabigat ang bawat hakbang habang pasulyap-sulyap pa siyang nakatingin sa pinto ng silid nito. Pinilit niyang huminga nang malalim, kinuha ang kanyang bag, at nagsimulang lumakad patungo sa pinto ng sala.Ngunit bago pa man siya makadalawang hakbang, isang malakas na “Bag!” ang biglang umalingawngaw mula sa loob ng kuwarto ni Xyler. Napatigil siya, nanlaki ang mga mata, at agad na napatingin pabalik.Gusto na sana niyang ituloy ang pag-alis, ngunit naalala niyang hindi na normal ang katawan ng lalaki. Iba ang kalagayan nito, at ang tunog kanina ay sapat para magdulot ng kaba sa kanyang dibdib. Baka may nangyaring masama.Matagal siyang napatitig sa pinto, nag-aalangan, bago siya tuluyang bumaling pabalik. Sa kabila ng inis na kanina lang ay nararamdaman niya, nanaig ang pag-aalala. Mabilis niyang tinungo ang silid, tinulak ang
Last Updated : 2025-09-24 Read more